Home NATIONWIDE Stockroom ng ospital sa Maynila, nasunog

Stockroom ng ospital sa Maynila, nasunog

128
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang hospital sa Sampaloc, Maynila nitong Martes ng umaga, Oktubre 22 ayon sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP-Manila).

Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog sa stock room ng Mary Chiles Hospital and Maternity kung saan unang nakitaan ng maitim na usok alas-6:48 ng umaga.

Umabot sa ikalawang alarma lamang ang sunog.

Ang nasunog na istruktura kung saan naroon ang stockroom ay hiwalay sa gusali mula sa hospital kung saan may mga pasyente na naka-admit.

Gayunman, inilikas pa rin ang mga pasyente kabilang ang mga naka-wheelchair mula sa ospital upang hindi makalanghap ng makapal na usok.

Idineklarang fire out ang sunog alas-7:20 ng umaga.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng naging pinsala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here