Home OPINION SALAMAT SA BAGYO AT MALAYO SA PINAS

SALAMAT SA BAGYO AT MALAYO SA PINAS

161
0

ISA sa mga binabantayan ng husto ng ULTIMATUM ang pagdating ng bagyo sa Pinas.

Ang dahilan? Perwisyo talaga ang bagyo hindi lang sa nakamamatay at nakasisirang malalakas na hangin nito kundi pati ang nililikha nitong mga baha na nakamamatay at nakasisira rin nang todo.

Itong low pressure area na natagpuang magiging bagyo at pangangalanan ng PAGASA na Kristine ay malayo sa Pinas habang sinusulat ito.

Dakong alas-3:00 ng umaga, nasa 1,395 kilometro ito sa silangan ng Southern Luzon o Timog Katagalugan na kinabibilangan ng Quezon at Laguna.

Pero sinasabi ng PAGASA na kahapon nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ito at magdudulot ng mga ulan sa malaking bahagi ng bansa mula sa Kabisayaan hanggang sa dulong norte ng Luzon.

Magkakaroon ng mga pag-ulan hanggang sa darating na Miyerkules.

MAGHANDA LABAN SA BAHA

Itong sinasabing pag-ulan na hindi pa tiyak kung malakas o hindi, dapat nang paghandaan.

Ang Metro Manila at Central Luzon na tatamaan ng mga pag-ulan ay karaniwang nakararanas ng mga malalaking perwisyo.

Una, ang trapik na nagbubunga ng iba’t ibang hindi magandang kalagayan ng mga tao at kalakal.

Kapag nagkatrapik dahil sab aha, ilang oras na natetengga ang mga tao sa kalsada.

Naririyan ang nagkakasakit sa bato dahil hindi makaihi at nagkakasakit sa tiyan ang hindi makadumi.

Ang kalakal, nawawala sa oras sa delivery at pagtanggap at may mga nasisira gaya ng mga gulay at isda.

Ikalawa, nawawalan sa tamang oras ang pagpasok sa trabaho at perwisyo ito sa mga negosyong tao ang kailangan na kumilos para gumana ito.

Maraming negosyo ang nawawala sa wisyo kung work from home ang paiiralin.

Ikatlo, napiperwisyo rin ang edukasyon sa kanselasyon ng mga face-to-face na klase.

Libo-libo kundi mang daan-daang libong estudyante ang nawawalan ng epektibong sistema sa pag-aaral kung walang pasok.

Ikaapat, ang lahat, kasama na ang mga dyipni driver, kapag naistak sa trapik, malaking kalugian sa paghahanapbuhay, pamamasahero at iba pa.

Bukod sa maliit na kita, napakalaking gastos sa napakamahal nang petrolyo ang pagkaistak sa trapik.

Ikalima, ang mga responder sa emergency, dead on arrival ang karga-karga at itinatakbo nila sa mga ospital dahil sa trapik at baha.

Ang mga pulis hindi na makahuli sa akto ng mga kriminal na killer, kawatan at pusher.

MAGKAISA SA PAGHAHANDA

Kapag nagdedeklara ang PAGASA ng pagdating ng mga super bagyo at malalakas at matagalang ulan, agad na nagrereak ang lahat.

Pero sa katulad ni Kristine na tila hindi super bagyo at walang malakas na ulan, dedma lang ang marami.

Gayunman, para sa atin, dapat maghanda ang lahat at dapat laging nagkakaisa.

Sabi nga ng iba, sa Metro Manila lang at Central Luzon, sa kaunting ihi ng nasa langit, nagbabaha na kahit saan at napiperwisyo ang lahat.

Kaya, dapat tayong maghanda sa ulan mula ngayon hanggang Miyerkules dahil sa ulang dala ng bagyong Kristine.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here