Home OPINION P27B DEPED PROJECT AT MAHAL NA KAMATIS

P27B DEPED PROJECT AT MAHAL NA KAMATIS

151
0

NAMILI ako kahapon ng manok, karne at kamatis.

Nagulat ako sa presyo ng kamatis…P120 ang isang kilo!

Pero sabi ng tindera, “Dapat magpasalamat kayo dahil noong Hulyo, P180 ‘yan!”

Ganu’n? Kalahati lang ang binili ko.

Pagdating ko sa manukan, napansin kong bulto-bulto ang mga mapupusyaw na manok, puno ng yelo, imported daw at P130 ang isang kilo.

Namutla ako sa pagdududa at pagkakita ko sa katabi na fresh na katay na manok, hindi lang ako namutla kundi natakot sa presyo.

Akalain mo, parang kamakailan lang, eh, nasa P130 lang ang isang kilo, tapos naging P150, tapos naging P180 at ngayon, P240 na?

Doon pa naman ako bumibili sa isa sa pinakamurang tindahan iyon dahil politiko ang may-ari ngunit natalo sa halalan.  ¾ lang ang binili ko, P180 .

Lalo akong namutla at natakot sa baboy na hindi imported…P350-480 na pala ang isang kilo.

Doon na lang ako sa adidas, P120 isang kilo, pero wala namang laman kundi balat lang.

Doon na rin ako sa mga lumulundag na tilapia na P100 bawat kilo kumpara sa P150 na malalaki at maiitim na tilapia ng Batangas at P150 ring matitinik na bangus.

Pero mag-ingat sa tilapia at bangus dahil marami ang lasa at amoy-burak.

Ang itlog? ‘Yung singlaki ng ping-pong ball na dating P4 isa, ngayon, P7-8 na…ang super big na dating P9, P11-12 na.

Maduduling ka naman sa katitingin ng pagkakaiba ng medium at big pero P10 ang isa at yung isa, P8-9 isa.

Habang namumutla at natatakot ako, umaalingawngaw naman ang balita sa loob ng palengke sa P27 bilyong sariling proyekto ng mga kongresman para sa Department of Education ngunit hindi hawak ng DepEd, gaya ng karanasan ni Vice President Sara Duterte.

Ang suswerte naman ang mga hijong ito na nasa langit habang heto’t naghihigpit ng tali sa tiyan ang mahihirap sa lupa bilang panlaban sa gutom.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here