MANILA, Philippines – Umabot na sa higit 3,000 ang stranded sa mga pantalan sa mga lugar na apektado ng bagyong Kristine.
Sa maritime safety advisory ng Philippine Coast Guard (PCG)nitong madaling araw ng Martes, Oktubre 22, umakyat na sa 3,418 pasahero, truck drivers, at cargo helpers ang nananatili sa mga pantalan.
Stranded din ang 678 rolling cargoes, 26 vessels at 11 motorbancas habang 54 sasakyang-dagat pa at 67 motorbancas ang nakahimpil dahil sa sama ng panahon dulot ng bagyo.
Partikular na apektado ng bagyo ang ilang bahagi ng Pilipinas kasama ang Southern Tagalog region, Northwestern Luzon at Eastern Visayas.
Nauna nang isinailalim ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang mga district stations gayundin ang PMOs ng Philippine Ports Authority (PPA) upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ngga pasahero habang umiiral ang sama ng panahon sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden