Home METRO Drug den malapit sa Malacanang nasawata

Drug den malapit sa Malacanang nasawata

103
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Maynila kung saan natuklasan ang isang drug den malapit sa Malacanang, sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Martes, Oktubre 22.

Kinilala ng NBI ang suspek na si Edgard Ventura, na kilala rin bilang “Mukha.”

Sa isang pahayag, sinabi ng NBI na inaresto si Ventura sa isang bahay sa kahabaan ng Nicanor Padilla Street sa San Miguel, Maynila noong Oktubre 16 sa pagsisilbi ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 37.

Ang pag-aresto ay ginawa ng Dangerous Drugs Division (NBI-DDD) ng NBI sa tulong ng Presidential Security Group (PSG) at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“Natagpuan at nasamsam sa operasyon ang siyam (9) na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang ilegal na droga, at iba pang drug paraphernalia,” sabi ng bureau.

Sinabi rin nito na mayroong 15 katao ang natagpuan sa lugar na inimbitahan ng DDD na sumailalim sa drug test.

Sinabi ng NBI na isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang DDD na “isang Francisco Soriano Jr. a.k.a. ‘Juntot’ at alyas ‘Mukha’ ay sangkot sa pagbebenta ng mga mapanganib na droga partikular na ang methamphetamine hydrochloride o shabu, at nagme-maintain ng drug den sa loob ng Malacañang Complex.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here