Home METRO Lebel ng tubig sa Marikina river nasa normal pa

Lebel ng tubig sa Marikina river nasa normal pa

166
0

MANILA, Philippines – Nanatiling normal ang lebel ng tubig sa Marikina River ngayong Miyerkules ng umaga sa gitna ng mga pag-ulan na dala ng Tropical Storm Kristine, sinabi ng Marikina public information office.

As of 9:20 a.m., sinabi ng Marikina PIO na nasa 13 meters ang lebel ng tubig sa Marikina River na nangangahulugang nasa “normal level” pa rin ito hanggang 14.9 metro at mas mababa.

Itataas ang unang alarma kung aabot sa 15 metro ang lebel ng tubig, pangalawang alarma kung 16 metro, at pangatlong alarma kung 18 metro.

Samantala, bukas ang lahat ng gate sa Manggahan Floodway. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here