Home NATIONWIDE P2.3M halaga ng ayuda naipamahagi na ng DSWD sa gitna ng hagupit...

P2.3M halaga ng ayuda naipamahagi na ng DSWD sa gitna ng hagupit ni ‘Kristine’

141
0

SINABI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mahigit sa Php 2.3 milyong halaga ng humanitarian assistance ang naipaabot na ng DSWD sa mga pamilya at indibidwal na sinalanta ng bagyong Kristine.

“The DSWD has already provided P2,326,978.60 worth of food and non-food items to the affected local government units (LGUs), specifically in the provinces of Albay, Camarines Sur, and Sorsogon in Bicol Region; Bacolod City in Region 6 (Western Visayas); and North Cotabato in SOCCSKSARGEN,” ayon kay Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao.

Gayundin, sinabi ng DSWD na walang humpay ang ginagawang repacking ng mga volunteers sa National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City upang matiyak na magiging sapat ang mga family food packs (FFPs) na kakailanganing i-deploy sa mga lugar na apektado ng bagyo.

Sa kasalukuyan, mayroong 2,071,884 kahon ng FFPs ang readily available sa mga rehiyon sa bansa. Kabilang na rito 176,381 kahon ng FFPs na nakalagak sa NROC; 247,263 kahon ng FFPs sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC); 101,371 kahon ng FFPs ang nasa spokes at last mile warehouses ng DSWD Field Office-5 (Bicol Region).

Kaugnay nito base naman sa pinakahuling report ng DSWD-Disaster Response Operations Management, Information and Communication (DROMIC), nasa 112,437 pamilya o 457,489 katao mula sa 815 barangays sa Regions 2, MIMAROPA, 5, 6, 8,12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang naitalang apektado ng bagyong Kristine.

Sa nabanggit na bilang 4,092 families o 15,715 individuals ang pansamantalang nanunuluyan sa 267 evacuation centers. Pawang nakadeploy din ang Quick Response Teams (QRTs) at Municipal Action Teams (MAT) ng DSWD Field Offices sa mga apektadong lugar upang asistehan ang local government units (LGUs) sa iba pang mga pangangailangan ng mga nasa evacuation centers. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here