Home HOME BANNER STORY Para magkabati sila ni PBBM: ‘Mag-sorry muna sila’ – VP Sara

Para magkabati sila ni PBBM: ‘Mag-sorry muna sila’ – VP Sara

109
0

MANILA, Philippines – ‘Mag-sorry muna sila’

Ito ang kondisyon ni Vice-President Sara Duterte para mapatawad si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at mga kaalyado nito sa pagkamatay ng isang miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) noong Agosto nang isilbi ng Davao police ang arrest warrant sa detenidong televangelist na si Apollo Quiboloy.

Matatandaan na sinabi ng Police Regional Office 11 na may isang lalaking KOJC member ang nasawi dahil sa atake sa puso habang isinisilbi ang arrest warrant laban kay Quiboloy sa KOJC compound sa Buhangin District, Davao City.

“Magkaayos kami? Magkaayos kaming lahat? Sige, mag-sorry sila doon sa pamilya nu’ng namatay sa Davao City during the kaguluhan sa loob ng Kingdom of Jesus Christ. May namatay do’n. Mag-sorry sila sa lahat ng tinear gas nila, pinpukpok nila, at binugbog nila sa Tamayong at sa KOJC,” ang sinabi ni VP Sara sa isang ambush interview tinukoy ang Barangay Tamayong sa Davao City kung saan matatagpuan ang Glory Mountain ng KOJC.

Si VP Sara at ang pamilya nito ay long-time ally ni Quiboloy, humingi rin ng paumanhin para sa mga tao na naligalig dahil sa mga pagdinig ng House of Representatives Quad Committee.

“Mag-sorry sila sa lahat ng hindi nakakatulog ngayon kasi pinapatawag nila paulit-ulit diyan sa House of Representatives. Hindi lang sorry na, ‘Oh, sorry ah.’ Hindi. Pangalanan niyo lahat, mag-sorry kayo sa kanila,” ang sinabi ni VP Sara.

“Pag-isipan ko kung papatawarin ko kayo. Pag-iisipan ko palang ‘yun ah,” aniya pa rin.

Ganito rin ang sinabi ni VP Sara pagdating sa posibleng pag-aayos sa relasyon niya kay Pangulong Marcos.

“Sabi ko nga, mag-sorry sila doon sa lahat. Pag-iisipan ko,” ang sinabi ni VP Sara.

Samantala, ngumiti lamang si Pangulong Marcos nang hingan ng komento hinggil sa sinabi ni VP Sara na wala siyang para pangasiwaan ang bansa.

Sinabi pa ni VP Sara na mayroon siyang listahan ng impeachable offenses na ginawa ni Pangulong Marcos. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here