Home ENTERTAINMENT Ken, ‘nagtatago’ pa rin!

Ken, ‘nagtatago’ pa rin!

259
0

Manila, Philippines – Hindi natuloy ang dapat sana’y pag-uwi ng bansa ni Ken Chan noong isang buwan.

Ito’y para harapin ang syndicated estafa na isinampa laban sa kanya at anim pang katao.

Ayon sa ulat ng PEP, may mga makapagpapatunay na ang Kapuso actor ay nasa isang bansa sa East Asia.

Out of touch man ay nakuha pang magpasalamat ni Ken sa tinanggap na Best Actor award kamakallan.

Ken won as PinakaPASADOng Aktor in the 26th Gawad Pasado held recently at the Philippine Christian University.

Sa itinuturing niyang passion project na Papa Mascot–na siya rin ang nagprodyus–siya ang nagkamit ng tropeo.

Ito’y sa direksyon ni Louie Ignacio na ipinalabas noong April 2023.

Sa kasamaang palad, Papa Mascot was far from being commercially successful.

Gayunpaman, nangako si Ken na ipagpapatuloy pa rin ang pagpoprodyus ng pelikula.

Sa latest na ulat ng Ichika Mo Na Dali! nina Ogie Diaz, ibinalita nilang nagbebenta raw ng kanyang mga property si Ken para ma-raise ang pambayad sa kanyang atraso sa bansa. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here