Home METRO Mga sasakyan papasok ng Cavite, istranded sa baha

Mga sasakyan papasok ng Cavite, istranded sa baha

163
0

MANILA, Philippines – Nasa libong katao ang nakaranas ng hirap dahil sa humigit kumulang na apat na oras na hindi gumalaw ang mga sasakyan sa bahagi ng Cavitex papasok ng Brgy. Longos sa Bacoor City dahil sa laki ng tubig-baha na dulot ng bagyong Kristine.

Bandang alas-8 ng gabi, nang mastranded ang mga sasakyan sa Cavitex at dahil sa kagustuhang makauwi ng Bahay, halos lahat ng sakay ng pampublikong sasakyan kagaya ng bus ay naglakad na lamang kahit sa kalakasan ng ulan at hangin.

Sinuong ng mga ito ang lalim ng tubig-baha na hanggang baywang sa bahagi ng Brgy. Longos hanggang SM Bacoor.

Dahil sa baha, bandang alas-5:00 pa lamang ng hapon ay walang makadaang mga pribado man o pampasaherong sasakyan patungo ng Maynila at pabalik ng Cavite.

Hanggang sa inabot na ng hatinggabi ay nagmistulang ghost city na ang Bacoor dahil sa walang kuryente at laki ng tubig baha sa lugar.

Tanong ng mga tao, nasaan na ang mga lokal na opisyal sa lugar dahil wala man lang nakaisip na mabigyan ng masasakyan ang mga taong naglakad sa gitna ng baha na dulot ng bagyo. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here