Home ENTERTAINMENT Kris, kinumpirmang ikakasal sa bf!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kris, kinumpirmang ikakasal sa bf!October 25, 2024 16:071080 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Mismong si Kris Aquino na ang umaming may kasalang magaganap sa kanila ng kanyang nobyong doktor na si Dr. Michael Padlan.Taliwas ito sa mga ispekulasyon na hindi aabot sa pag-iisang-dibdib ang kanilang relasyon.Si Dr. Padlan ang sumunod na nakarelasyon ng Queen of All Media pagkatapos ni Batangas Vice Governor Marc Leviste.Matatandaang inalok din ng kasal ni Marc si Kris–either on his birthday or Kris’!Pero hindi na nga ito natuloy dahil sa pakikipaghiwalay mismo ni Kris during her stay in Los Angeles, California.Isang malaking factor din ang pag-ayaw ng anak ni Kris na si Bimby, as Kris said: “My sons’ opinions matter.”Si Padlan ang kasama ng mag-inang Kris at Bimby nang magbalik sila sa bansa nitong September.Bago rito’y ipinahayag ni Kris na kumpiyansa siya sa doctor-boyfriend as she navigates her health condition.Sa ngayon, ayaw pa munang magbigay ng detalye si Kris tungkol sa kanilang kasal.Nagpahaging lang siya na ito’y “small wedding” which definitely won’t be held outdoors.“Ibalato n’yo na sa akin. Anyway, imbitado naman kayong lahat!” pakiusap ni Kris. Ronnie Carrasco III