MANILA, Philippines- Inanunsyo ng National Bureau of Investigations (NBI) nitong Biyernes ang pagkakaresto sa 19 indibidwal dahil sa pagpapatakbo ng umano’y illegal notary public stalls sa Quezon City.
Base sa ahensya, nadakip ng Special Task Force (STF) ang mga indibidwal sa entrapment operations noong Oktubre 22, laban sa ilang stalls sa kahabaan ng Congressional Avenue, Bago Bantay.
Nag-ugat ito a reklamong inihain ng Integrated Bar of the Philippines laban sa mga hindi abogado na nangangasiwa umano ng operasyon ng notary public stalls.
Isinagawa ng NBI ang operasyon matapos maberipika ang impormasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga indibidwal na nagnonotaryo.
Samantala, iprinisenta ang mga suspek para sa inquest sa Quezon City Prosecutor’s Office para sa iba’t ibang paglabag sa Revised Penal Code. RNT/SA