Home METRO ABC President itinumba sa Ilocos Norte, 2 bodyguard patay din

ABC President itinumba sa Ilocos Norte, 2 bodyguard patay din

136
0

ILOCOS NORTE- Patay ang isang ABC President at dalawa nitong bodyguard matapos silang pagbabarilin sa harap ng isang hotel sa Brgy. 22, San Nicolas ng lalawigang ito kaninang madaling araw.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawing ABC President na si Brgy. Captain Mark Adrian “Macky” Barba ng Brgy. 6, San Nicolas, Ilocos Norte.

Nakasakay ang tatlo sa Toyota Innova nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek o mga suspek.

Agad na isinugod sa ospital ang naturang barangay chairman at dalawang bodyguard nito.

Gayunman, idineklarang dead-on-arrival ang chairman at ang isa sa mga bodyguard nito.

Nalagutan naman ng hininga ang isa pang bodyguard nito habang sinisikap siyang isalba ng umatending doktor.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino ang salarin o mga salarin. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here