Home NATIONWIDE SC: Mga katibayan ng sekswal na nakaraan ng biktima ‘di admissible sa...

SC: Mga katibayan ng sekswal na nakaraan ng biktima ‘di admissible sa child abuse case

148
0

MANILA, Philippines- Hindi maaaring gamiting ebidensya ang katibayan ng sexual disposition o sekswal na nakaraan ng isang biktima sa kahit anumang criminal proceeding na may kaugnayan sa kasong child sexual abuse.

Ito ang iginiit ng Korte Suprema sa isang desisyon na isinulat ni Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., kung saan napatunayan ng Second Division ng Korte Suprema na guilty si Adrian J. Adrales (Adrales) sa kasong qualified trafficking in persons sa ilalim ng Anti-Trafficking of Persons Act of 2003 (Republic Act No. 9208).

Hinatulan si Adrales ng habambuhay na pagkabilanggo at pinagbabayad ng danyos na P1.8 million matapos mapatunayan na binugaw niya ang 14-anyos na si AAA sa iba’t ibang lalaki noong taong 2011, kapalit ng pera.

Paliwanag ng Korte, may trafficking kapag ang mga indibidwal ay ni-recruit, dinala o nilipat—may pahintulot o kaalaman man o wala —sa ilalim ng mga pagbabanta, pamimilit, panlilinlang, o pag-abuso sa kapangyarihan para sa mapagsamantalang layunin tulad ng prostitusyon.

Ang krimen ay qualified trafficking kapag ang sangkot ay mga menor-de-edad. Ito ay may kaukulang parusa na habambuhay na pagkabilanggo.

Depensa ni Adrales, kilala umano si AAA bilang prostitute sa kanilang lugar.

Pero ayon sa Korte, protektado si AAA ng sexual abuse shield rule sa ilalim ng Section 30(a) ng Rule on Examination of a Child Witness.

Ang sexual abuse shield rule ay naglalayong protektahan ang mga biktima laban sa invasion of privacy, potential embarrassment, at sexual stereotyping na nangyayari kapag isinapubliko ang kanilang maseselang sekswal na detalye. Ang proteksyon na ito ay naghihikayat sa mga biktima na magsalita laban sa mga nang-abuso sa kanila. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here