Home ENTERTAINMENT Barbie, kalmado na, nakahinga na nang maluwag sa ina sa Bicol!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Barbie, kalmado na, nakahinga na nang maluwag sa ina sa Bicol!October 28, 2024 16:121870 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – By now ay tiyak na nakrating na sa Legazpi, Albay ang ipinadalang tulong ni Barbie Imperial sa kanyang mga kababayan sa Bicol.Not only was the Kapamilya actress worried for them kundi sa kanyang mga kaanak doon most especially her mom.Ayon kasi kay Barbie, nag-iisa’t walang kasama ang kanyang nanay sa Legazpi.Bukod dito’y binaha rin ito doon at pati ang kanyang mga tiyahin.Nakahinga lang nang maluwag si Barbie nang malamang maayos ang lagay ng ina.In particular, ang Bicol region ang binayo ng bagyong Kristine.Dahil walang patid ang pagbuhos ng ulan kung kaya’t nagdulot ito ng matinding pagbaha.Makikitang nitong October 24 ay may mga nakahanda nang kahun-kahong relief goods si Barbie para ipadala sa Bicol.Nakalkom pa siya ng halagang umabot sa P81,896 na inilaan niya pambiling pagain, bigas at de lata para sa kanyang mga kababayan doon.“Diyos mabalos!” post ni Barbie nang makatiyak na wala na sa panganib ang kanyang mga mahal sa buhay. Ronnie Carrasco III