Home OPINION MAGANDANG SAMAHAN NG NCRPO COPS AT MEDIA

MAGANDANG SAMAHAN NG NCRPO COPS AT MEDIA

96
0

NAGKAROON ng “meet and greet” ang mga mamamahayag, tradisyunal at makabago, sa National Capital Region Police Office sa ilalim ng pamumuno ng bagong Regional Director na si PMGen Sidney S. Hernia.

Marami-raming traditional media (television, print and radio) rin ang dumalo mula sa limang distrito ng NCRPO – Manila, Quezon City, Eastern. Southern at Northern Police Districts.

Maging ang mga hepe ng Public Information Office ng iba’t ibang district ay nagtungo sa NCRPO HInirang Hall upang makilala ang iba’t ibang miyembro ng grupo ng mga mamamahayag.

Siyempre, mas marami sa mga dumalo ang mga makabagong mamamahayag tulad ng bloggers at vloggers. At siyempre, hindi mawawala ang mga miyembro na hao ciao o yung mga walang dala-dalang entity.

Gayunman, tanggap pa rin sila ng mga miyembro ng Philippine National Police partikular ang NCRPO kung saan nakikipagkilala pa ang mga bagong hepe ng distrito na ang ilan ay dala ni General Hernia.

Ang mga bagong hepe na dumalo rin sa ‘meet and greet’ ay sina PBGen Arnold Thomas Ibay ng MPD, PBGen Bernard Yang ng SPD, PCol Melencio Buslig Jr. ng QCPD, PCol Josefino Ligan ng NPD at PCol Villamor Tuliao ng EPD.

Ang mga blogger at vloggers na may libo-libong views ay katulad din ng mga tradisyunal na mamamahayag ang nais — maihayag sa mga mamamayan o sa mga tao ang magandang ginagawa ng mga pulis lalo na ang nasa Metro Manila.

Pero tulad nga nang sinabi  ni Gen. Hernia, magandang maipakita o maimpormahan ang mga tao nang aksyon ng kanyang tanggapan upang malaman na mas marami ang mga pulis na nagnanais magserbisyo sa mamamayan.

Pero, hindi rin naman maganda, ayon sa top cop ng NCRPO, na puro papuri lang ang ginagawa ng mga mamamahayag o puro papogi lang ang naipapakalat nitong mga miyembro ng media. Makabubuti raw na maging ang kapalpakan ay maisulat din upang magising ang mga pulis sa kanilang maling gawain.

Sa madaling salita, natapos ang pagkikita ng mga pulis at media matapos ang photo ops. Picture, picture ang bawat grupo kasama si Gen. Hernia at iba pang mga opisyal.

Siyempre ang binigyang “emphasis” sa programa ay ang magiging magandang relasyon ng pulis at media.

Kaya naman, isa lang ang maipangangako ng grupo ng inyong Pakurot – ang NCRPO Press Association – kasama n’yo kami sa pagpapakalat ng magandang serbisyong ibinibigay ng mga Metro cops sa ilalim ng pamumuno ni NCRPO director Hernia.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here