MANILA, Philippines- Binisita ni dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte ang lahat ng mga naging biktima ng landslide sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas.
Ang pagbisita ng dating Pangulo ay matapos ang naging pagdalo niya sa pagdinig ng Senado ukol sa war on drugs ng kanyang administrasyon.
May mga larawan na ipinakita ang Office of the Vice President kung saan makikita na nakiramay ang dating Pangulo sa pamilya ng mga namatay sa landslide sa panahon ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Isang team mula sa Office of the Vice President’s Special Projects Division and Public Assistance Division ang sumama sa dating Pangulo sa kanyang naging pagbisita, nagbigay ito ng burial assistance sa mga apektadong pamilya.
Nagpunta rin si Digong Duterte kasama ang OVP Disaster Operation Center’s Relief Operations sa evacuation centers sa Talisay at Laurel.
Nauna rito, idinepensa ng dating Pangulo ang kanyang deadly drug war, sabay sabing “no apologies and no excuses” mula sa kanya para sa kampanya na nagresulta ng pagkasawi ng 6,000 indibdiwal.
Iginiit naman ng makakanang grupo na karamihan sa libo-libong namatay dahil sa naturang kampanya ay mga opisyal at bigilante at wala umanong pruweba na nag-uugnay sa mga ito sa ilegal na droga.
Iniimbestigahan naman ng International Criminal Court (ICC) ang nasabing alegasyon na ang pagpatay ay state-sanctioned “crime against humanity.”
Samantala, sinabi ni Duterte sa Senate hearing na aakuin niyang mag-isa ang responsibilidad para sa anti-drug policy ng kanyang administrasyon subalit itinanggi na inatasan niya ang mga pulis na gumawa ng ilegal na gawain.
Inamin din niya ang pagkakaroon ng “death squad” subalit sinabi na itinatag niya lamang ito para sa mga mayayaman sa Davao City na hindi nagbabayad. Kris Jose