Home HOME BANNER STORY 2 GMA contractor kinasuhan na ng rape ng DOJ

2 GMA contractor kinasuhan na ng rape ng DOJ

171
0

MANILA, Philippines – Kinasuhan na sa Pasay Regional Trial Court ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang independent contractors ng GMA network dahil sa pangmolestya umano sa aktor na si Sandro Muhlach.

Inaprubahan ng DOJ ang rekomendasyon ng panel of prosecutors na isampa ang kasong rape through sexual assault at dalawang bilang ng kasong acts of lasciviousness laban kina Jojo Nones at Richard Cruz.

Nakitaan ng sapat na mga ebidensya upang mapanagot sa mga kaso sina Nones at Cruz.

Sa 20 pahinang resolution, kumbinsido ang DOJ panel of prosecutors na pasok sa kaso ang lahat ng elemento ng sexual assault at acts of lasciviousness.

Pinatunaya din ni Muhlach na siya ay pinuwersaat tinakot.

Sinabi ng DOJ na malinaw sa salaysay ni Sandro sa kanyang affidavit na ilan ulit siyang nakiusap sa mga respondent na itigil ang kanilang sexual advances.

Hindi nakalaban si Sandro laban sa dalawang respondent dahil nanghina ito at nahilo dulot umano ng ibinigay sa kanya na droga at alak.

Ayon sa DOJ, hindi naapektuhan ang kredibilidad ni Sandro kahit natagalan bago nito inireklamo ang insidente.

Malinaw anila ang paliwanag ni Muhlach na itinago niya pansamantala ang pangyayari dahil sa takot na maapektuhan ang kanyang showbiz career. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here