Home HOME BANNER STORY National Press Club of the Philippines nagdiwang ng ika-72 anibersaryo

National Press Club of the Philippines nagdiwang ng ika-72 anibersaryo

199
0

MANILA, Philippines – IPINAGDIWANG ng National Press Club of the Philippines (NPC) ang ika-72 Anibersaryo na may temang “Powering @72 nitong Martes ng gabi sa Intramuros, Manila kung saan matatagpuan ang headquarters ng pinakamatagal na press club sa bansa.

Nagsilbing isa sa mga panauhing pandangal at Guest Speaker si Presidential Communication Office (PCO) Secretary Cesar Chavez kung saan binanggit nito na sa paglipas ng mga taon, ang mga opisyal at miyembro ng NPC ay naninindigan para sa katotohanan at integridad.

“This principle has guided the NPC throughout the years. This institution has withstand the years by providing the principles that battled challenges just like Typhoon Kristine,” ani Chavez.

Aniya, ang hamon ng Climate Change at pekeng balita ay nagpapakita na ang gobyerno ay maghahatid ng kinakailangang tulong habang ang NPC ay gumagawa ng responsibilidad nito na ipaalam sa mga tao ang katotohanan at palakasin ang mga bagay bilang bantayan ng katotohanan.

“For 72 years the NPC has stand tall and strong. While politicians come and go and governments change but this institution is standing for truth and integrity. Mabuhay ang NPC its members. I know you will be up to the challenge the nation is facing. Thank you very much,” ani Chavez.

Sinariwa din ni Sec. Chavez, isang broadcast journalist mula sa DZRH, ang dalawang taong nakasama niya noong dekada 80 na sina NPC Director Aya Yupangco at Estong Reyes. Isa umanong malaking karangalan na makasama ang kanyang mga dating kasamahan sa larangan ng pamamahayag.

Nauna rito, sinimulan ang nasabing pagdiriwang ng isang banal na misa na ginanap sa ika-apat na palapag ng NPC Building na matatagpuan sa Magallanes Drive, Intramuros dakong alas-4:30 ng hapon.

Matapos ng misa ay sinundan ng “Fellowship Night” na dinaluhan ng mga opisyal ng gobyerno, mga press club sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, at iba pang stakeholder sa industriya ng media.

Bukod kay PCO Sec. Chavez ay nagpahatid din ng pagbati si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Dr. Persida V. Rueda-Acosta kung saan ibinahagi nito na ang NPC at ang PAO ay may umiiral na MOA (Memorandum of Agreement).

Aniya, ang PAO ay nagbibigay ng libreng legal na tulong sa mga miyembro ng media na nahaharap sa mga kaso sa pagganap ng kanilang opisyal na tungkulin.

“People come and go pero ang NPC ay nananatiling metatag. Mula noon at hanggang ngayon, si Persida ay mananatiling lalaban para sa hustisya,” ayon sa PAO Chief.

Dumalo din sa nasabing pagdiriwang sina Special Assistant to DSWD Secretary (SAS) Rex Gatchalian na si Mr. Raymond Burgos na siyang lifetime member ng NPC, mga opisyal at miyembro ng Camanava Press Club, Nueva Ecija Press Corps, Manila City Hall Press Club, PaMaMariSan-Rizal Press Corps, NCRPO Press Club, Quezon City Press Club, EPD Press Club, NCRPO Press Association, at Camarines Norte Press Corps.

Pinangunahan naman nina NPC President Leonel “Boying” Abasola Sec. Tina Maralit, Treasurer Mina Navarro, Auditor Lydia Bueno, Directors Aya Yupangco, Alvin Murcia, Benedict Abaygar, Madz Dominguez, Dennis Napule, Jean Lacorte, Eduardo “JR” Reyes, Jun Mendoza at Gina Mape ang pagbigay ng plake ng pasasalamat sa pamilya ni Dr. Emilio C. Yap III makaraang sagutin nito ang lahat ng gastusin para sa pagkukumpuni at rehabilitasyon ng NPC Medical Clinic, na inaasahang matatapos sa Abril 2025.

Nagpahayag din ng kani-kanilang suporta ang Philippine National Police (PNP) at Pamahalaang Lungsod ng Maynila na kinatawan ni Manila Public Information Office (MPIO) Chief Atty. Princess Abante sa NPC at binati sila sa kanilang ika-72 Anibersaryo. JR Reyes 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here