Home NATIONWIDE Ligtas na biyahe ng mga pasahero pinatitiyak ng DOTr

Ligtas na biyahe ng mga pasahero pinatitiyak ng DOTr

111
0

MANILA, Philippines- Inatasan ng Department of Transportation (DOTr) nitong Huwebes ang attached agencies nito upang tiyakin na ang mga pasahero ay bibigyan ng serbisyong “preferential, komportable, abot-kaya, ligtas, secure, at accessible” sa panahon ng Undas.

Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na ang Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2024 ay naglalayong tiyakin ang kaligtasan at ginhawa ng mga pasaherong dadagsa sa transportation hubs sa buong bansa — maging ito sa sektor ng aviation, maritime, kalsada, o riles.

Nakikipagtulungan ang DOTr sa Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency at pamunuan ng transport terminals tulad ng  Parañaque Integrated Terminal Exchange upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

Dahil inaasahang dadami ang mga pasaherong pupunta sa mga probinsya, nag-isyu ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 298 special permit para sa 796 na bus.

Sinabi ni LTFRB chair Teofilo Guadiz III na mas maraming special permit ang ibibigay kung kinakailangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here