Home ENTERTAINMENT Alden, sinabing girlfriend material si Kath!

Alden, sinabing girlfriend material si Kath!

Manila, Philippines- Bising-bisi ngayon sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa pag-iikot sa mga malls sa Pilipinas para sa promo ng kanilang pelikulang Hello Love Again.

Lagi namang trending ang sweet moments ng dalawa, hindi lamang habang nasa stage at nagpi-perform kundi maging sa backstage kung saan laging magkahawak ang kamay nila.

Kapansin-pansin din daw ang presensya ng pamilya nila sa bawat mall show.

Ganu’n ka-supportive ang mga ito kina Kathryn at Alden.

Pero ang mas nagpakilig sa mga faney ng KathDen ay nang tinanong si Alden sa isang interview kung girfriend material daw ba si Kathryn, na ang sagot niya ay,”Kathryn Bernardo is ideal in a lot of aspects. Hindi lang sa pagiging girlfriend. Ideal as an actress and Ideal woman in general.”

Kinilig naman ang mga faney at binigyan ng kahulugan ang sinagot ng aktor na ideal as a girlfriend si Kath.

Paano raw niya ito nasabi, GF na raw ba niya ang aktres?

Samantala, grateful naman si Alden dahil hindi raw nawala ang chemistry nila ni Kathryn at mas lalo pa silang naging close nang gawin nila ang Hello Love Again, na showing na sa November 13. Rommel Placente