Home NATIONWIDE Single Period of Confinement policy kinalos na ng PhilHealth

Single Period of Confinement policy kinalos na ng PhilHealth

133
0

MANILA, Philippines- Inalis na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang single period of confinement (SPC) policy, na nagpapahintulot na muling mabigyan ng benepisyo ang mga miyembrong muling na-admit dahil sa parehong sakit sa loob ng 90 araw.

“After extensive evaluation, we have lifted the rule of Single Period of Confinement to ensure continuous coverage for patients with recurring conditions,” sabi ni PhilHealth Chief Emmanuel Ledesma.

Sinabi ni Ledesma na ang inisyatiba ay kasado sa mga kondisyong medikal at mga pamamaraan ng operasyon sa ilalim ng pamamaraan ng pagbabayad na All Case Rate.

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na ang SPC ay binuo sa panahon ng Philippine Medical Care Act of 1969 upang maiwasan ang mga mapanlinlang na benefit claims.

Inihayag ni Herbosa na ang mga kasalukuyang teknolohiya laban sa pandaraya ay mas mahusay at na ang Universal Health Care Act of 2019 ay naghahatid ng abot-kaya at “accessible” na mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.

Pinaalalahanan ni Ledesma ang mga miyembro at kwalipikadong dependents na sila ay may karapatan sa maximum na 45 araw na coverage para sa kwarto at board kada taon.

Gayunman, hindi nito saklaw ang package ng mga benepisyo ng hemodialysis dahil mayroon itong hiwalay na 156 na sesyon na inilalaan bawat taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here