Home HOME BANNER STORY Higit 31,900 parak ipinakalat ng PNP para sa Undas 2024

Higit 31,900 parak ipinakalat ng PNP para sa Undas 2024

180
0

MANILA, Philippines- Mahigit 31,900 pulis ang idneploy sa buong bansa upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa paggunita ng bansa sa All Saints’ Day at All Souls’ Day o Undas ngayong taon, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa press briefing nitong Huwebes, sinabi ni PNP Brig. Gen. Jean Fajardo na nagpadala sila ng mas maraming police officers para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal sa buong bansa.

“The number of personnel we deployed nationwide has already reached 31,974; this includes those deployed in cemeteries, transport terminals, and major thoroughfares,” pahayag ng opisyal.

Dagdag ni Fajardo, naka-heightened alert na ang police regional offices mula pa noong Oktubre 28 at sinimulan ang “soft deployment” mula noon.

Giit pa niya, nakasalalay sa regional directors kung daragdagan ang bilang ng deployments “depending on the prevailing security situation in their respective areas.”

Ayon pa sa PNP official, wala silang namo-monitor na anumang seryosong banta maliban sa mga nagdadala ng mga ipinagbabawal na gamit sa mga sementeryo.

Pinaalalahanan ni Fajardo ang publiko na tumalima sa mga alituntunin na ipinalabas ng local government units para sa mga sementeryo. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here