Home NATIONWIDE Apela nina Tamano, Castro para sa writs of amparo, habeas data tablado...

Apela nina Tamano, Castro para sa writs of amparo, habeas data tablado sa CA

211
0

MANILA, Philippines- Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang apela ng dalawang environmental activists na bigyang pansin ang kanilang petition for writs of amparo at habeas data.

Sa siyam na pahinang resolusyon, hindi pinagbigyan ng CA former Special Eight Division ang motion for reconsideration nina Jonila Castro at Jhed Tamano dahil sa kakulangan ng merito.

Sinabi ng CA na haka-haka lamang ang argumento nina Castro at Tamano na may alam ang estado sa maayos na paglipat mula nang sila ay dukutin hanggang sa pagsuko umano nila sa 70th Infantry Battalion.

Nabigo aniya ang dalawa na maglabas ng ebidensya na nagkaroon ng sabwatan ang gobyerno at ang militar laban sa kanila.

“Contrary to their argument, it would take more than a smooth transition to hold respondents accountable and responsible for their abduction.”

Sinabi ng CA na wala ring ‘evidentiary weight’ sa alegasyon nina Tamano at Castro na nakita nila ang logo ng 70th Infantry Battalion sa laptop ng kanilang interrogator.

Pinuna ng CA na hindi nila ito inilahad sa kanilang judicial affidavit.

Hindi rin anila tama ang iginigiit ng mga petitioner na dapat naging flexible ang korte aa interpretasyon nito sa writ of habeas data.

“Petitioners would do well to be reminded that it is by their own prayer, which covers ‘any and all information’ about them, as well as their failure to specify this information during trial, that essentially prevented this Court from fully determining their entitlement to the privilege they now seek.” Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here