Home NATIONWIDE Agri damage sa bagyong Kristine, Leon umabot na sa P4B

Agri damage sa bagyong Kristine, Leon umabot na sa P4B

163
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa P4,467,500,427 ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa iba’t ibang rehiyon sa bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine at Leon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Nobyembre 1.

Sa 8 a.m. report, sinabi ng NDRRMC na karamihan sa mga napinsalang agrikultura, o P2,831,633,632 ay mula sa Bicol Region.

Nakapagtala rin ng pinsala sa agrikultura ang mga sumusunod na rehiyon:

Mimaropa – P736,476,510
Central Luzon – P316,691,774
Ilocos Region – P217,244,977
Eastern Visayas – P183,496,416
Calabarzon – P75,314,573
Western Visayas- P39,189,278
Cordillera – P18,621,027
Soccsksargen – P16,212,237

Apektado rito ang 105,258 magsasaka at mangingisda mula sa 90,321 ektarya ng mga taniman.

Samantala, umabot naman sa P6,829,789,026 ang pinsala sa imprastruktura at P32,620,000 naman sa irrigation facilities.

Kabuuang 7,953,766 katao o 2,028,282 pamilya mula sa 17 rehiyon ang apektado ng dalawang magkasunod na bagyo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here