Home ENTERTAINMENT Kathryn, ginagamit daw si Daniel, pinalagan!

Kathryn, ginagamit daw si Daniel, pinalagan!

120
0

Manila, Philippines- Nagsipag-aklasan ang mga masugid na taggahanga ni Daniel Padilla sa paraan ng pagpo-promote ng ex-girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.

Ayon sa mga ito, hindi nila nagugustuhan ang paggamit sa kanilang idolo para lang i-promote ng aktres ang reunion movie nila ni Alden Richards.

In the first place daw, wala sa cast ng Hello Love Again si Daniel.

Hindi nga raw ba’t ang Part 1 ng pelikulang ito pa ang naging mitsa ng pag-aaway noon ng magkasintahan?

Kung noon nga raw na magnobyo pa sila’y hindi na kumportable si Daniel, how much more ngayong break na sila mag-iisang taon na?

May mga dumepensa naman kay Kathryn.

Kung ang tinutukoy raw ng mga fans ni Daniel ay ang guesting ni Kathryn sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, naitanong lang ang aktres kung ano ang kanyang natutunan sa past relationship niya.

Ni wala ngang mention ng pangalan who she had a relationship with.

And in fairness, Kathryn only had nice words to describe her 11-year relationship.

Sabi nga niya: “I’ve only been to one relationship that lasted for 11 years.”

Sinundan niya ito ng kanyang mga natutunan: “It’s about growth, being unselfish, dreams and all!”

So, what makes Daniel’s fans say na gamit na gamit ang kanilang idolo?

Hindi rin ba naisip ng mga ito na sa susunod na ipo-promote ni Daniel ang kanyang movie ay mapag-uusapan din ang tungkol sa kanila ni

Kathryn one way or the other? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here