Home ENTERTAINMENT Resolusyon sa kaso ni Sandro, hinimay!

Resolusyon sa kaso ni Sandro, hinimay!

Manila, Philippines- Naglabas na ng pahayag ang kampo ng GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz hinggil sa inalabas na resolusyon ng DOJ kung saan nagpasya ang ahensya na isampa sa korte ang 1 count of sexual assault and 2 counts of acts of lasciviousness laban sa dalawa.

Hinaylayt ni Atty. Maggie Abraham-Garduque na hindi pasok sa reasonable certainty of conviction ang resolution na Ikina-disappoint nina Nones at Cruz.

“Ang basis ng resolution to indict our clients for sexual assault was because allegedly, Sandro was able to prove that Richard, with help of Jojo, was able to insert his tongue to Sandro’s anal orifice,” sey ni Atty. Maggie.

Kinowt niya ang resolution ng DOJ kung saan iisa para sa kanila ang pagdila o “licking” ng pwerta pati insertion dahil kailangan mo raw ilabas ang dila mo, in the first place, o yung sinasabi na “sticking out of the tongue”.

Kinontra din ni Atty. Maggie ang parte ng resolution kung saan sinasabi na kinumpirma ni Sandro sa clarificatory hearing na pinasok ni Richard ang dila nito sa loob ng kanyang pwerta.

Hindi raw ito totoo dahil ani Maggie ay paulit-ulit na sinabi ni Sandro noong clarificatory hearing na pagdila ang ginawa ni Richard sa butas ng pwet niya.

“Likewise, it is our assertion that it is physically impossible to insert a tongue inside the anal orifice without any injury. You need to overstretch it to create an opening, which naturally will result to laceration or injury,” dagdag pa niya.

Pinoint out rin niya na sa resolution mismo ng DOJ panel ay naka-quote ang Ricalde vs. people na naging basis nila sa pagsabing malamang ay naghilom na ang butas ng pwet ni Sandro kaya walang injury: “But the panel might have forgotten that the same evidence of Sandro which is the medico legal clearly states that Sandro has no injury or laceration in his anal orifice whether fresh or healed.

“So, para sa amin, there is no basis to indict Jojo and Richard for sexual assault.

“Even the findings of the DOJ panel that there are 2 counts of acts of lasciviousness has no merit.”

Pinagbasehan kasi ng resolution ang testimony ni Sandro na “rendered helpless” siya dahil sa epekto diumano ng alak at droga.

“However, the drug test result of Sandro states that he is negative for any illegal substance,” giit ni Atty. Maggie.

Wala raw naipakitang evidence si Sandro na pinatira talaga siya ng droga. Kahit ang DOJ man ay aminado na ang burden ay na kay Sandro para patunayan ang kanyang mga alegasyon.

“Contrarily, his evidence is inconsistent with his allegations,” dugtong pa niya.

Balak iapila ng kampo nina Jojo and Richard ang kasong nai-raffle na sa isang Pasay RTC. “We might also file motions to quash the informations filed in court,” pagtatapos ni Atty. Maggie.

Samantala, bago pa man lumabas ang DOJ resolution ay nagkaroon ng first ever public appearance sa isang event si Sandro noong October 26 kung saan nilabanan niya ang tatay niyang si Nino Muhlach sa billiards tournament ni Rendon Labador, na isa sa vloggers na naging maingay last June nang ideklara itong persona non grata sa Palawan. Trixie Dauz