Home NATIONWIDE Iskedyul ng mga banko ngayong Undas

Iskedyul ng mga banko ngayong Undas

MANILA, Philippines – Sarado ang karamihan sa mga branch ng mga banko sa bansa ngayong Biyernes, Nobyembre 1, at bukas, Nobyembre 2 sa paggunita ng Undas.

Ayon sa BDO Unibank, sarado ang lahat ng branch nito ngayong araw habang may mga piling branch naman ang magbubukas sa Nobyembre 2.

Ang Bank of the Philippine Islands naman ay magsasara rin ng lahat ng branch nito ngayong araw at bukas.

Sarado rin ang lahat ng branch ng Metropolitan Bank and Trust Company maliban sa Pasay-NAIA 3 branch.

Dagdag pa, sarado rin ang lahat ng mga branch ng Land Bank of the Philippines at Union Bank of the Philippines, habang may mga piling branch naman ang bukas sa Philippine National Bank partikular sa NAIA at Gen. Santos-KCC Mall (9 a.m.-4 p.m.).

Ngayong araw, Nobyembre 1 ay sarado rin ang lahat ng branch ng Development Bank of the Philippines, Chinabank, Maybank, Security Bank, Rizal Commercial Banking Corp., Bank of Commerce at PBComm. RNT/JGC