Home NATIONWIDE Pinoy contacts ng French nat’l na kalaboso sa sexual abuse ng mga...

Pinoy contacts ng French nat’l na kalaboso sa sexual abuse ng mga bata tutugisin ng DOJ

159
0

MANILA, Philippines- Patuloy na hahabulin ng pamahalaan ang mga suspek na sangkot sa child exploitation.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos mahatulan sa korte ang 59-anyos na French national na si Bouhalem Bouchiba.

Sinabi ni Remulla na tutugisin ng mga awtoridad ang mga Pinoy na kasabwat ni Bouchiba.

Si Bouchiba na isang French graphic artist na hinatulang makulong ng 25 taon dahil sa pagiging utak ng online rape ng ilang daang menor-de-edad.

Napatunayang guilty si Bouchiba sa pag-uutos sa online sexual abuse ng mga batang babae mula sa kanyang base of operation sa France.

Ayon sa DOJ, binayaran ni Bouchiba ang dalawang babae sa Pilipinas noong 2012 at 2021 para gahasain ang ilang nasa edad lima hanggang 10 taon. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here