Home NATIONWIDE DepEd: Walang korapsyon sa liderato ni Angara

DepEd: Walang korapsyon sa liderato ni Angara

MANILA, Philippines- Kinondena ng Department of Education (DepEd) nitong Martes ang korapsyon sa procurement activities nito, at nangako ng “transparency” sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara sa ahensya.

Sa abiso, tiniyak ng DepEd na tumatalima ito sa Republic Act 9184 o ang Government Procurement Reform Act “to ensure equal opportunity for all qualified bidders at all levels,” mula sa central office nito hanggang sa public schools sa buong bansa.

“Walang korapsyon sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara. The Department of Education is committed to fair and transparent procurement processes,” the agency said.

Hindi tinukoy ng DepEd ang konteksto ng paglalabas ng abiso, subalit nagbabala ito na sinumang indibidwal na mahahatulang guilty sa corrupt practices “will face severe consequences, including blacklisting and criminal charges.”

Hinikayat din nito ang publiko na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa: [email protected].

Opisyal na naupo si Angara bilang pinuno ng Education Department noong Hulyo, kasunod ng pagbaba sa pwesto ni Vice President Sara Duterte.

Kasalukuyang nagsasagawa ang House good government and public accountability committee ng motu proprio inquiry ukol sa pagpalya ng DepEd na maipamahagi ang computer units sa maayos na kondisyon at iba pang isyu sa paggamit ng budget ng ahensya sa termino ni Duterte. RNT/SA