Home METRO 7 Most Wanted Persons swak sa selda

7 Most Wanted Persons swak sa selda

187
0

MANILA, Philippines- Iniulat ni QCPD Acting District Director, PCOL Melecio M Buslig, Jr. ang matagumpay na pagkakaaresto ng pitong Wanted Persons kabilang ang isang District Level Most Wanted sa bisa ng warrants of arrest sa magkakahiwalay na operasyon kahapon, sa naturang lungsod  Nobyembre 4, 2024.

Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pamumuno ni PMAJ Don Don M Llapitan, kinilala ang akusado na si John Jaeron De Rueda ,19 taong gulang, nakalista bilang No. 1 District Level MWP at residente ng Brgy. Ramon Magsaysay, Quezon City. Siya ay inaresto dakong alas-9:15 ng umaga sa No. 54 Abra St., Alley 2 Bago Bantay Quezon City. 

Si Rueda ay may nakabinbing Warrant of Arrest para sa kasong Statury Rape na inilabas ng Branch 13, Regional Trial Court (RTC) Quezon City.

Samantala, nadakip din ng District Special Operations Unit (DSOU) sa pamumuno ni PMAJ Allan Ranier Cabral ang No. 10 Station Level MWP ng La loma Police Station (PS 1) dakong alas-11:30 ng umaga sa kahabaan ng Katipunan Avenue, LRT-2 Station, Brgy. Loyola Heights, Quezon City.

Kinilala ang akusado na si Remuel Barredo, 26 taong gulang at residente ng Tondo, Manila para sa kasong Acts of Lasciviousness na inisyu ng Branch 6, Family Court, Manila.

Kaugnay nito, sa isa pang operasyon, dakong alas-7 ng gabi sa kahabaan ng Garcia St., Marick Subd., Brgy. Sto, Domingo, Cainta, Rizal, naaresto ng Novaliches Police Station (PS 4) sa pamumuno ni PLTCOL Josef Geoffrey Lyndon Lim kasama ang personnel ng DID-DPIOU MPD ang suspek na si Gio Benito Hilvano, 22 taong gulang at residente ng Brgy. Sto, Domingo, Cainta, Rizal.

Siya ay nakalista bilang No. 6 Station Level MWP sa kasong Rape na inisyu ng Branch 106, RTC, Quezon City.

Habang sa Fairview Police Station (PS 5) naman sa pamumuno ni PLTCOL Richard E Mepania, naaresto ang No. 4 Station Level MWP na si Mark Loise Basilio, 24 taong gulang at residente ng Pandacan, Manila dakong alas-7 ng gabi sa Pearl St., Brgy. Greater Fairview, Quezon City. Siya ay nahaharap sa kasong Rape na inisyu ng Branch 37, RTC, National Capital Judicial Region, Manila.

Kaugnay nito, naaresto rin ng Anonas Police Station (PS 9) sa pamumuno ni PLTCOL Zachary M Capellan ang kanilang No. 3 Station Level MWP na si Wesley Penalosa Alfaro, 35 taong gulang at residente ng San Jose, Navotas City.

Siya ay naaresto dakong alas-7 ng gabi sa BJMP Urdaneta Male Dorm, Urdaneta City, Pangasinan para sa kasong paglabag sa R.A. 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016 na inisyu ng Branch 91, RTC, National Capital Judicial Region, Quezon City.

Naaresto naman ng Kamuning Police Station (PS 10) sa pamumuno ni PLTCOL Leonie Ann Dela Cruz ang kanilang No. 5 Station Level MWP na si Ma. Cielo Barranco Gaza, 51 taong gulang, residente ng Brgy. Mariana, Quezon City dakong alas-10:45 ng umaga sa Brgy. Hall ng Brgy. Immaculate Conception para sa kasong Qualified Theft na inisyu ng Branch 77, RTC, Quezon City.

Gayundin, nadakip ng Project 6 Police Station (PS 15) sa pamumuno ni PLTCOL Roldante S Sarmiento ang kanilang No. 4 Station Level MWP na si Rogelio Palmis Canda, 28 taong gulang at residente ng Brgy. 8, Caloocan City dakong alas-9 ng gabi sa Block 13, Lot 1, Salmon St., Brgy. 8, Caloocan City. Siya ay may kasong Frustrated Murder na inisyu ng Branch 83, RTC, Quezon City. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here