Home ENTERTAINMENT Rere, kinabog si Kyline!

Rere, kinabog si Kyline!

202
0

Manila, Philippines – Marami ang kinilig sa ipinost ng basketbolistang si Kai Sotto sa kanyang Instagram account.

Sa nasabing post, proud niyang ipinangalandakan ang dyowa niyang si Rere, na kapatid ng Kapuso actor na si Ruru Madrid.

May pa-mine pa ang cager sa GMA artist na obvious na pahiwatig kung gaano niya kamahal si Rere.

Nang maibahagi naman ito sa isang portal, hindi naman naawat sa pagmamaldita ang kibitzers sa pagkukumpara sa kanya kay Kyline Alcantara na tinaguriang kandong queen dahil sa madalas na pa-PDA nila ng rumored boyfriend na si Kobe Paras.

Ito ang ilan sa hirit ng kibitzers.

“Battle of two starlets.”

“Ang haba-haba ng hair ni Rere. DYOS KO, Kai, wala namang umaangkin sa kanya, ano?”

“Kyline watch out. Bet kang sapawan ni Rere.”

“Naku, mag double date na lang kayong apat.”

“Kung waley na career, gawa ng ingay sa love life.”

“Mas bagay sina Kyline at Rere sa Shining Inheritance.”

“Kinabog ang kandong queen.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here