Manila, Philippines- Taliwas sa mga nag-iisip na siya ang dahilan, nilinaw ni Vice Ganda sa panayam sa kanya ng dating manager at ngayo’y vlogger na si Ogie Diaz na wala siyang kinalaman sa desisyon ng karelasyong si lon Perez na iatras nito ang kanyang pagtakbo sa eleksyon sa 2025.
Nag-file si lon ng kanyang CoC sa unang araw ng filing nitong October 1 only to announce his withdrawal more than a month later.
Sa pagka-Councilor ng Concepcion, Tarlac nais tumakbo ang dating Mr. Escort ng It’s Showtime.
Nag-sorry siya sa kanyang mga supporters sa kanyang naging desisyon.
Kasabay nito’y inamin ni lon na mas paghahandaan daw niya sa susunod na eleksyon ang kanyang balak na pumalaot sa pulitika.
Isa na nga rito’y ang mag-aral tungkol sa public governance.
Dahil sa kanyang pag-atras, hinihinalang si Vice Ganda ang nasa likod nito– bagay na itinanggi niya kay Ogie.
Sarili raw niya ang nagdesisyon nito.
Sa kaso raw nilang dalawa, the least they can do for each other is to suggest.
Pero at the end of the day, they respect each other’s decision.
Ramdam naman daw kasi ng Unkaboggable Star na nais maglingkod ang kanyang partner sa kanilang lugar.
Dati na raw youth leader si lon bago pa man napadpad sa showbiz.
Kilala rin daw itong matulungin at laging maasahan sa kanilang lugar, kaya hindi na siya nagtaka na nag-file ito ng kanyang CoC noong October 1. Ronnie Carrasco III