Home ENTERTAINMENT Sanya, asado kay Alden?

Sanya, asado kay Alden?

219
0

Manila, Philippines- Sa kanyang mga nakaraang interview, sinabi ng “Pulang Araw” star na si Sanya Lopez na no boyfriend since birth siya.

Subalit sa pinaka-recent interview sa kanya, inamin ng Kapuso actress na naka-experience na siya ng first kiss.

Hindi rin niya ikinaila na muntik na siyang magka-boyfriend.

Sa pagsalang niya sa Fast Talk, humirit siya na bet daw niya ang spicy over sweet, naughty kesa good boy at Tisoy over non mestiso.

Iba rin ang kilig niya nang ipahayag niya na naghihintay daw siya at di naghahanap ng special someone sa kanyang kasalukuyang estado.

Sey pa niya, ready na rin daw siyang magka-dyowa.

Dagdag pa niya, pula raw ang kulay ng lovelife niya sa ngayon.

Speaking of her love scene with Alden Richards sa kanilang serye, inilarawan ng aktres ang kanilang eksena na ‘sobrang hot.’

Nang maisip daw nila na ipalalabas ang bersyon nito sa Netflix, pumayag daw sila na mag-topless.

Bago rin daw nila ginawa ang love scenes ay tinanong niya ang aktor kung sumalang na ang kapareha sa ganoong klase ng eksena.

Gayunpaman, in fairness daw kay Alden, inalagaan daw siya ng aktor sa kanilang maseselang eksena.

Ito naman ang iba’t-ibang reaksyon ng kibitzers sa kanyang naging pahayag sa nasabing interview.

“Obvious na kinikilig si Ateh.”

“She said it, type niya at hinihintay si Tisoy.”

“Iba ang glow niya pag pinag-uusapan si Alden.”

“Si Alden ba ang imaginary boyfriend niya?”

“Lagot masusugod ka nung mga delulu lol.”

“Actually, bagay sila.. matagal ko na sila bet”

“Good match sila. Single naman si Alden, single si Sanya.”

“They make a beautiful pair.”

“Panira siya sa Kathden.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here