Home NATIONWIDE Nasa 600K magnanakaw ng wire, metro naaresto mula 2005 – Meralco

Nasa 600K magnanakaw ng wire, metro naaresto mula 2005 – Meralco

192
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Manila Electric Company (Meralco) nitong Lunes, Nobyembre 25 na mahigit kalahating milyon na ang naaresto sa nakalipas na dalawang dekada dahil sa pagnanakaw ng mga electrical wire at metro.

Ayon kay Meralco chief operating officer Ronnie Aperocho, nasa 600,000 na ang naaresto mula pa noong 2005 sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad.

“Actually, based sa aming record mayroon na hong mga 600,000 na mga service violators na nahuli simula po nung 2005 hanggang Setyembre ng taong ito, ito po ay dahil sa pakikpagtulungan namin sa mga law enforcement agencies especially po sa mga kapulisan,” sinabi ni Aperocho, sa pagdinig ng Senate Committee on Public Service kaugnay sa bid ng naturang kompanya para sa panibagong 25 taong prangkisa.

Idinagdag pa ng Meralco na nakapagkumpiska rin ito ng 8,300 tons ng illegal wires mula 2007.

“Sa katanuyan po, simula nung January 2007 hanggang nitong September 2024, a total of 8,300 tons or 207 to 6,000 kilometers ng illegal wires ang na-confiscate ni Meralco. Mas mabigat pa ito sa 2,600 na SUVs and around seven times the circumference of the earth,” sinabi ni Aperocho.

“Kinakapos na po yung mga bodega namin dahil sa tambak ng mga illegal wires na nako-confiscate ni Meralco.”

Maaaring saluhin ng mga customer ang mga ito sa kanilang monthly bill sa pamamagitan ng system loss charge, kung saan kasama rito ang non-technical system losses.

Ang non-technical losses ay ang aktwal na pagkakamali sa meter readings at electrical theft, na hindi na kontrolado ng distribution utilities (DU).

Maaaring makarekober ang private DUs ng hanggang 8.5% ng losses batay sa ERC Resolution No.17, Series of 2008.

Ayon sa Meralco, isa sa mga hakbang nito upang maiwasan ang electrical theft ay ang pagtataas ng metro.

“Ang mabisang paraan lang, para at least ma-address yung theft, i-angat namin yung metro sa mas mataas na elevation para medyo maiwasan po yung tahasang pagnanakaw ng kuryente,” pagtatapos ni Aperocho. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here