Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga- Muling nagpulong ang Regional Joint Security Control Center (RJSCC) na binubuo ng COMELEC, PNP,AFP at PCG nitong Huwebes, Nobyembre 28 upang patuloy na plantsahin ang mga detalye sa ipatutupad na seguridad para sa nalalapit na 2025 midterm elections.
Sa nasabing pulong, inilatag ng PNP-PRO3, AFP at PCG ang kanilang paghahanda para sa halalan para matiyak sa publiko na magiging maayos, payapa at ligtas ang darating na halalan sa Mayo 12 sa susunod na taon.
Samantala, nitong Oktubre ay sinimulan na ng PRO3 sa pangunguna ni PBGEN REDRICO A MARANAN, Regional Director ang puspusang pagpapatupad ng strategic planning na nakabase sa kanyang peace and order operational framework na Enhanced Police Presence + Quick Response Time + Counter actions against drug groups, criminal gangs at private armed groups = Safe region 3 bilang bahagi ng pagsisikap ng kapulisan upang masigurong maging matagumpay ang papalapit na eleksyon.
Iprinisinta rin ni PBGEN MARANAN sa RJSCC ang mga baril na nakumpiska sa iba’t ibang panig ng Gitnang Luzon simula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 27, 2024 na umabot sa 939.







