Lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Pasay City LGU at Indonesian government upang pasiglahin ang matibay na ugnayang pang-ekonomiya at lumikha ng libu-libong mga oportunidad ng trabaho sa Pilipinas.
Ang MOU ay nangangahulugan ng isang multi-bilyong foreign investment commitment mula sa Indonesian business community, isang makabuluhang hakbang upang mapanatili ang paglago ng negosyo at ekonomiya ng bansa.
Ayon Kay mayor Emi Calixto Rubiano, makatutulong din nang malaki sa pagpapalawak ng ekonomiya ng bansa, ang pamumuhunan, pasiglahin ang lokal na negusyo sa Pasay.
Ang partnership na ito ay nagbibigay ng isang natatanging pagkakataon upang ipakita ang pangako ng parehong pamahalaan sa pagpapaunlad ng ekonomiya at paglikha ng isang mas malinaw na kinabukasan para sa kanilang mga mamamayan. (CESAR MORALES)