Home NATIONWIDE Pagpapatalsik kay VP Sara wala sa agenda ng Kamara – House leaders

Pagpapatalsik kay VP Sara wala sa agenda ng Kamara – House leaders

156
0

MANILA, Philippines- Muling iginiit ng mga mambabatas na wala sa agenda ng Kamara ang paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa kabila ng malakas na panawagan na gawin ito.

Ayon kina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker David Suarez, at House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, bagama’t seryoso ang Kamara na magkaroon ng transparency at accountability sa gobyerno ay nakatuon umano ang mga imbestigasyon ng mga komite nito sa paghukay sa katotohanan.

“As we have repeatedly pointed out in media interviews, impeachment proceedings against Vice President Sara Duterte are not on our agenda,” sinabi ng tatlong pinuno ng Kamara sa isang joint statement.

Ang posibleng paghahain ng impeachment complaint laban kay Duterte ay resulta ng ginawa nyang pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Our institution is duty-bound to serve as a check and balance while safeguarding public trust. The Filipino people deserve answers regarding these serious matters, and we aim to fulfill this responsibility without political distractions or divisiveness,” anila pa.

“Let us work together to ensure that governance remains focused on what truly matters—delivering results and improving the lives of our people – while fulfilling all constitutional mandates with integrity and impartiality,” dagdag pa ng mga ito.

Sa ilalim ng Konstitusyon, maaaring magsampa ng impeachment complaint ang sinumang Pilipino laban sa sinumang impeachable na opisyal ng gobyerno. Gayunman, ang petisyon ay kailangang iendorso ng isang miyembro ng Kamara para ito ay maaksyunan ng Kapulungan.

Ang isang impeachment petition na nilagdaan ng hindi bababa sa one-third ng lahat ng miyembro ng Kamara ay maaari nang iakyat agad sa Senado para sa isasagawang paglilitis. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here