Home METRO 1 patay, 6 sugatan sa karambola ng mga sasakyan

1 patay, 6 sugatan sa karambola ng mga sasakyan

88
0

MANILA, Philippines- Patay ang isang motorista habang sugatan ang anim pa sa aksidente sangkot ang tatlong sasakyan sa Talisay City, Cebu nitong Sabado ng gabi.

Naganap ang aksidente sa Barangay Lagtang sangkot ang isang multicab, isang tricycle, at isang motorsiklo.

Base sa impormasyong ipinalabas ng City of Talisay Traffic Operations and Development Authority (CT-TODA) sa Facebook, tinangka umanong mag-overtake ng multicab sa motorsiklo na nagresulta lamang sa pagbangga nito sa isa pang motorsiklo at tricycle sa kabilang panig.

Patay ang driver ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang asawa.

Sugatan din ang driver at mga pasahero ng tricycle.

Hindi pa nakapagsasampa ng kaso laban sa multicab driver, habang sinusulat ito. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here