Home METRO Titser na ‘namboso’ sa banyo ng scout jamboree iniimbestigahan ng DepEd, Boys...

Titser na ‘namboso’ sa banyo ng scout jamboree iniimbestigahan ng DepEd, Boys Scouts

231
0

MANILA, Philippines- Nasa hot seat ngayon ang isang 57-taong gulang na lalaking guro na umano’y kumuha ng video ng isang 31 taong gulang na babaeng guro sa loob ng isang pansamantalang restroom o banyo habang isinasagawa ang provincial scout jamboree sa Camp Hinilawod sa Calinog, Iloilo noong Nobyembre 25.

Sa katunayan, magkahiwalay na imbestigasyon hinggil sa insidente ang ginagawa ngayon ng Department of Education (DepEd) at Boy Scouts of the Philippines (BSP) sa Iloilo.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, naninilip umano ang suspek sa isang pansamantalang restroom at kumuha ng video ng kasama niyang babae sa loob ng pasilidad dakong alas- 8:30 ng umaga.

Napansin ng babaeng guro ang cellphone at kinuha ito matapos na makita ang lalaking guro na hawak ito.

Kaagad niyang ini-report ang insidenteng ito sa mga school authority dahilan para arestuhin ang suspek.

Ang lalaking guro ay kinasuhan ng pulisya ng paglabag sa Republic Act 11313 o Safe Spaces Act.

Sa dakong huli, pinalaya mula sa detensyon ang suspek at nakakuha ng pansamantalang kalayaan matapos na magpiyansa ang suspek.

Tumanggi naman ang pulis na ihayag ang eksaktong araw ng paglaya ng suspek, sinabi nito na ang korte na ang may hawak ng kaso.

Nakasaad sa Section 12 ng RA 11313 na “unauthorized recording of victims is considered as “gender-based online sexual harassment.”

Ang tao na napatunayang guilty ay maaaring maharap sa pagkakakulong mula anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon, pagmumultahin ng P100,000 at P500,000 o pareho, depende sa diskresyon ng korte.

Sa kabilang dako, sa isang kalatas, nagpahayag naman ng matinding pag-alaala ang DepEd-Schools Division Office (SDO) ng Iloilo sa naturang insidente.

Sinabi nito na nagsagawa na sila ng legal procedures at nagbigay ng psychosocial support sa mga sangkot.

“We are not undermining the said incident, and we do not tolerate misbehaviors that could harm any of our employees,” ang sinabi ng SDO.

“DepEd prioritizes the safety and well-being of learners and participants in all activities under its purview, and such behavior, if proven, is unequivocally condemned,” binigyang-diin ng SDO.

“In light of this incident, the SDO Legal Unit is now executing legal procedures to ensure that the welfare of the female scouter is properly attended to,” anito.

Samantala, nagpahayag naman ng pagkadismaya si Board Member Matt Palabrica ng third district ng Iloilo, chairperson ng BSP Iloilo Council, sa nabanggit na insidente.

Sinabi nito na iniimbestigahan na ng legal committee ng konseho ang nasabing usapin.

Ang pinal na resulta ay isusumite sa BSP National Council na siya namang magdedesisyon sa tamang legal na aksyon.

“This is unacceptable, especially since it happened during a BSP Council event,” giit ni Palabrica sa isang panayam.

Aniya pa, plano nilang paghiwalayin ang ‘male at female comfort rooms’ sa panahon ng scout provincial jamborees, sa halip na hayaan ang kasalukuyang common setup nito. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here