MANILA, Philippines – SINABI ng National Security Council (NSC) na malayang magagawa ng mga mangingisda sa Palawan ang kanilang fishing activities sa West Philippine Sea (WPS) dahil walang karapatan ang Tsina na magpatupad ng kahit na anumang regulasyon sa pinagtatalunang katubigan.
Sinabi ni NSC assistant director general Jonathan Malaya na nakipagpulong ang ahensiya sa 170 mangingisda sa isinagawang Northern Palawan Fishermen’s Congress sa Coron. Sa nasabing event, inihayag ng mga mangingisda ang kanilang mga saloobin at alalahanin ukol sa kanilang kaligtasan sa gitna ng agresyon ng Chinese vessels sa WPS.
“Isa sa mga natanong nila, ‘Totoo bang mayroong moratorium sa pangingisda dahil naging announcement ng Chinese Coast Guard?’” ang sinabi ni Malaya sa Bagong Pilipinas Ngayon.
“Sinabi namin, sa National Security Council, na walang ibang bansa na pwedeng magbigay ng regulasyon sa mga lugar na ‘yan kundi ang Philippine government lamang. Walang karapatan ang China na mag-impose ng anumang regulation sa pangingisda,” aniya pa rin.
Nauna rito, nagprotesta ang Pilipinas kaugnay sa unilateral four-month fishing ban na nagsimulang maging epektibo noong Mayo, malinaw na paglabag ito sa international law at tila pinarurupok ang ‘sovereignty at maritime rights’ ng bansa.
Sa kabila ng fishing moratorium, namataan pa rin ng Philippine Navy ang mahigit sa 120 Chinese vessel sa WPS.
Noong Hunyo, hiniling ng Pilipinas sa UN na I-extend ang boundary nito ng mas malayo sa pinagtatalunang WPS sa pamamagitan ng ‘ by registering its entitlement to an extended continental shelf’ sa West Palawan Region.
“We assured them of the support of the Philippine government kapag sila ay nandoon at nangingisda,” ayon kay Malaya.
Samantala, bukod sa Pilipinas at Tsina, nakikipag-agawan din ang mga bansang Malaysia, Brunei, Taiwan at Vietnam.