Home OPINION ‘STORM IN A TEACUP’ AT DEDMA SA MALALAKING KABULUKAN

‘STORM IN A TEACUP’ AT DEDMA SA MALALAKING KABULUKAN

149
0

HABANG nagkakagulo ang mga opisyal ng gobyerno, namamatay at naghihirap naman ang mga mamamayan.

Kabilang sa pinagkakaguluhan ang impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Pagkatapos na ihayag ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang hayagang pagtutol sa impeachment na ipinaabot na rin niya Kamara, agad sinopla ng Makabayan Bloc sa Kamara sa pagsasabing hindi ito dapat makialam sa usapin ng Kamara.

Katwiran ni Pang. Bongbong, matatali lang sa napakaliit na problema o ‘storm in a tea cup’ ang Kamara at Senado, kasama ang lahat, ngunit wala ni isang Pilipino ang makikinabang dito.

Habang kinakalkal na parang pinakamalaking kasalanan ang P125-P500 milyong confidential and intelligence fund ni Duterte, sinibak naman ng senators ang higit na malaking P39 bilyon AKAP program ni Speaker Martin Romualdez dahil minadyik lang umano ang pagsulpot nito sa badyet, ayon kay Manang Senator Imee Marcos.

Habang wala nang katapusan ang pagkalkal sa CIF ni VP Sara, wala man lang nagkakalkal kung saan napunta ang P510 bilyong pondong anti-flood control project para sa 2023 at 2024.

Walang balita ukol sa imbestigasyon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, miyembro ng Makabayan bloc, sa P255B anti-flood project para sa 2023 makaraang manalasa ang bagyong Carina samantalang kasipag nito sa imbestigasyon sa CIF.

Wala ring balita sa imbestigasyon ni Senate President Chiz Escudero sa P255B anti-flood project para sa 2024 makaraang manalasa ang bagyong Kristine.

Itong mga ghost project, kung meron man, o palpak na anti-flood projects ang isang napakalaking dahilan ng mga kamatayan, pagkasira ng mga ari-arian ng mga Pilipino at patuloy nilang paghihirap.

Ang pagkalulong sa imbestigasyon sa halagang P125-P500 milyong CIF at hind pag-iimbestiga kahit man lang sa isang segundo sa P510 bilyong ghost project, kung meron man, at palpak na anti-flood project ay palatandaan ng kabulukan ng gobyerno at katrayduran ng mga mambabatas sa mga mamamayan at sa bayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here