Home NATIONWIDE Pagdedeklara ng Climate and Disaster Emergency ‘gang 2030 inihain sa Kamara

Pagdedeklara ng Climate and Disaster Emergency ‘gang 2030 inihain sa Kamara

138
0

MANILA, Philippines – Isang House resolution ang inihain sa Kamara ni Albay Rep Joey Salceda na nagsusulong na ideklara ang 2024 hanggang 2030 bilang climate at disaster emergency.

Sa House Resolution 2105 na inihain ni Salceda tinukoy nito ang nagdaang bagyo kabilang ang Kristine (Trami) at Leon (Kong-rey) na nagresulta sa pagkamatay ng 162 katao, 22 ang nawawala at umabot sa P10.56 billion ang napinsala sa infrastructure at P7.04 billion sa sektor ng agrikultura.

Ang Typhoon Nika (Toraji), Ofel (Usagi) at Pepito (Man-yi) na P469.8 million ang napinsala sa imprastraktura , P8.64 million sa agrikultura at 1.8 million katao sa may 34 lalawigan ang naapektuhan.

“Given the disproportionate disaster and climate risks the Philippines is facing, there is a great need to push for loss and damage mechanisms, including disaster and climate financing in all international negotiations and platforms,” paliwanag ni Salceda.

Nakapaloob din sa panukala ang pagtatatag ng Disaster and Climate Emergency Fund kung saan nasa P1 billion ang hinihinging budget para sa 2025 na itutuon sa climate-resilient programs at disaster recovery initiatives.

Sinabi pa ni Salceda na sa oras na maisabatas ang panukala ay aatasan din ang Kongreso na magpasa ng mga panukalang batas na tutugon sa climate-focused strategies sa Philippine Development Plan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here