Home NATIONWIDE 50% tapyas-surge rate ng ride-hailing services target ng LTFRB

50% tapyas-surge rate ng ride-hailing services target ng LTFRB

105
0
(c) Danny Querubin/Remate News Central

MANILA, Philippines – Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board nitong Martes na tinitingnan nitong babaan ang surge rate ng mga ride-hailing services ng hanggang 50 porsiyento.

Ipinaliwanag ng mga kumpanya ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) na ang surge fee ay kinukuwenta batay sa sitwasyon ng trapiko, ang bilang ng available na driver, at ang demand, bukod sa iba pa, ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III.

“Yung formula nila, yun ang kinukweston ko po. And then baka pwedeng gawin na lang uniform, i-reduce ang surge fee to as much as 50 percent,” aniya sa isang interbyu.

Nagdagdag kamakailan ang LTFRB ng 5,000 slots para sa ride-hailing services sa Metro Manila para matugunan ang inaasahang pagtaas ng demand ngayong holiday season.

Sinabi ni Guadiz na umaasa siyang makakatulong ito sa pagbabawas ng surge rate sa oras ng rush.

Dagdag pa niya, umaasa ang LTFRB na ibaba ang flag down rate para sa ride-hailing firm na Grab sa P65 mula sa kasalukuyang P80.

“Malamang ho magpalabas kami ng desisyon din bago itong Pasko, parang reminder po sa kanila, then a resolution from the board na ibaba nila… Masyado po kaming natataasan,” dagdag pa niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here