Home OPINION IDEYA NG MGA LGU SA PAGPAPASIGLA NG TURISMO, SUSUPORTAHAN NG DOT

IDEYA NG MGA LGU SA PAGPAPASIGLA NG TURISMO, SUSUPORTAHAN NG DOT

187
0
NOONG  nakaraang Nobyembre 25, 2024, nangako si Department of Tourism (DOT) Secretary Maria Christina Frasco na susuporta­han niya at ng kagawaran ang mga ideya ng local government units (LGUs) kaugnay ng pagpapasigla ng industriya ng turismo sa kani-kanilang lokalidad.
Sinabi ito ng kalihim kasabay sa kanyang pagdalo sa isla ng Silaki groundbreaking ceremony ng “Legacy of the Sea Project” na iminungkahi ng LGU ng Bolinao, Pangasinan.
Layunin ng proyekto na palakasin ang reputasyon ng Silaki Island bilang “giant clam capital of the Philippines” sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga imprastraktura gamit ang mga materyal na makakalikasan. Ang proyekto ay magkakaroon ng mini experience center, hanging footbridge, floating docks, viewport structures, at welcome and departure pavilion.
Pangungunahan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang pagpapatupad ng proyekto, na ibibigay sa LGU ng Bolinao sa oras na matapos ito. Aabot sa Php 15 milyon ang nakalaang pondo para sa proyekto.
Nakuha ng Bolinao ang ikatlong puwesto sa Tourism Cham­pions Challenge ng DOT, na nagbigay-daan sa mga LGU na magpasa ng mga panukala para sa kanilang “sustainable, inclusive, at resilient” na mga proyekto sa turismo. Tumanggap ito ng gantimpalang Php 10 milyon mula sa kagawaran at karagdagang Php 5 milyon mula kay President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. na siyang nagbigay ng parangal sa mga nanalo.
Binigyang-diin ni Secretary Frasco ang kanyang katuwaan at kasabikan sa pagsasakatuparan ng programa na aniya ay bunga ng pinasamang pananaw ng DOT, ng LGU, at mga stakeholders na para sa isang maunlad na kinabukasan kung saan ang turismo ay nagtataguyod ng mga komunidad at may paggalang sa kalinangan at sa kalikasan.
Lumagda rin sa isang memorandum of agreement (MOA) ang kalihim kasama sina Bolinao mayor Alfonso Celeste, vice mayor Richard Celeste, Alaminos city mayor Arth Bryan Celeste, Pa­ngasinan board member Marinor de Guzman, at opisyal ng DOT at TIEZA.
Dinarayo ng mga turista ang Bolinao na kilala sa Patar White Sand Beach, Cape Bolinao Lighthouse na itinayo noong American period, St. James the Great Parish Church na mula pa sa panahon ng mga Kastila, at ang St. Claire Monastery.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here