TAGKAWAYAN, Quezon- Arestado ang hinihinalang drug pusher at kanyang live-in partner at nakumpiska ang shabu na nagkakahalaga ng P6 milyon sa isang buy-bust operation sa lugar na ito nitong Martes.
Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Joel, 33 na tinukoty na high-value individual sa illegal drugs trade. Hindi naman pinangalanan ang kanyang kinakasama.
Narekober sa suspek ang vacuum-sealed transparent plastic bags na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na mahigit isang kilo, isang digital weighing scale, at motorsiklo.
Isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency.
Kasalukuyang nakaditine si Joel sa Tagkawayan Municipal Police Station para sa wastong disposisyon at dokumentasyon. Nahaharap siya sa drug-related charges. RNT/SA