Home NATIONWIDE Aplikasyon para sa dominant, majority parties kasado ‘gang Jan. 10

Aplikasyon para sa dominant, majority parties kasado ‘gang Jan. 10

154
0

MANILA, Philippines- Mayroon na lamang hanggang unang bahagi ng 2025 para mag-apply sa Commission on Elections ang mga grupong politikal na interesadong maging dominant majority/minority parties at major national/local parties para sa midterm electoins sa susunod na taon.

Batay sa Resolution No. 11084 na isinapubliko noong Miyerkules, itinakda ng poll body ang deadline para sa aplikasyon sa Enero 10, 2025.

“A political party duly registered with the Commission may file a verified petition for accrditation for the determination of the Dominant Majority Party, the Dominant Minority Party, the 10 Major National Parties, and the 2 Major Local Parties,” ayon sa resolusyon.

Ang petisyon ay ihahain nang personal sa Office of the Clerk of the Commission sa central office sa Intramuros, Manila, o via email sa [email protected].

Ang mga petisyon ay dapat na isampa sa apat na hard copy ng form, kasama ang kumpletong annexes.

Sinabi ng Comelec na ang mga maa-accredit ay may karapatan sa isang opisyal na tagamasid sa bawat polling place at canvassing center.

Gayundin, ang mga partido ay may karapatan sa mga kopya ng election returns at mga sertipiko ng canvass. Sa pagpapasya sa dominant majority/minority parties at major national/local parties, sinabi ng Comelec na tutukuyin nito ang weighted average points ng bawat aplikante.

Kasama sa pamantayan ang kasaysayan ng partido sa paglalagay ng kumpletong talaan ng mga kandidato (10 puntos), bilang ng nanunungkulan na elective na opisyal (20 puntos), istraktura ng organisasyon (20 puntos), kakayahang maglagay ng kumpletong talaan ng mga kandidato mula sa antas ng munisipyo hanggang sa mga senador (40 puntos), at pagkakaroon ng hindi bababa sa 30 porsyento ng mga babaeng kandidato (10 puntos). Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here