Home NATIONWIDE NPA rebel patay sa sagupaan sa Batangas

NPA rebel patay sa sagupaan sa Batangas

113
0

MANILA, Philippines – Patay ang rebeldeng New People’s Army (NPA) habang sugatan ang isang sundalo ng Philippine Army sa engkwentrong naganap nitong Miyerkules, Disyembre 4 sa Lobo, Batangas.

Ayon kay Lieutenant Colonel Jeffrex Molina, 2nd Infantry Division (2nd ID) public information officer ng Army, kinilala ang nasawing rebelde na si Rey Delos Santos na kilala bilang alyas “Japeth,” “Roy,” at “Ren.”

Nasugatan naman ang sundalo mula sa
59th Infantry Battalion sa 20 minutong sagupaan sa Barangay Balibago.

Nagsasagawa ng routine patrol operation ang mga sundalo nang paulanan ng bala ng hindi pa tukoy na bilang ng NPA guerrillas.

Matapos ang sagupaan, tumakas ang mga rebelde at naiwan ang katawan ng nasawi nilang kasamahan.

Narekober ng mga sundalo ang dalawang high-powered firearms, magazine at dalawang anti-personnel mines sa encounter site.

Iginiit ni Major General Cerilo Balaoro Jr., 2nd ID commander, ang panawagan ng pamahalaan sa mga nalalabing rebeldeng NPA na sumuko na at manumbalik sa lipunan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here