Home METRO Barangay chairman, asawa todas sa pamamaril

Barangay chairman, asawa todas sa pamamaril

144
0

MANILA, Philippines- Patay sa pamamaril ang isang babaeng barangay chairman at kanyang asawa sa lalawigan ng Iloilo nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat, tinukoy ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga nasawi na sina Michelle Lamela, punongbarangay ng Barangay Sto. Niño sa bayan ng Dueñas at kanyang asawang si Rodney.

Pinagbabaril ng dalawang hindi natukoy na motorcycle riding suspects ang mag-asawa na sakay din ng motorsiklo bandang alas-9:40 ng umaga sa Barangay Tinucuan, halos tatlong kilometro ang layo mula sa Dueñas town proper.

Dinala ang mga biktima sa Passi City Hospital subalit idineklarang dead on arrival, matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente at nagsagawa ng manhunt laban sa mga suspek. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here