MANILA, Philippines- Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng ng P514 milyong emergency loans para sa 23,469 GSIS members at pensioners na apektado ng mga nagdaang bagyo sa Luzon.
Sa news release nitong Huwebes, sinabi ng GSIS na ang mga benepisyaryo ay mga naninirahan o nagtatrabaho sa Quirino, Apayao, Aurora, Santiago City, at Cabagan, Isabela, na nagdeklara ng state of calamity kasunod ng epekto nina bagyong Nika (international name Toraji), Marce (Yinxing) , Ofel (Usagi), at Pepito (Man-yi).
“Qualified members without an existing emergency loan can borrow PHP20,000, while those with existing loan balance may apply up to PHP40,000, provided the net proceeds do not exceed PHP20,000,” pahayag ng GSIS.
“The loan has a 6 percent interest rate, a three-year payment term, and redemption insurance coverage, which settles the loan balance in the event of the borrower’s death during the loan term, provided payments are up to date.”
Bukas ang aplikasyon hanggang Dec. 20 para sa Quirino, Apayao, at Santiago City, at hanggang Dec. 24 para sa Aurora at Cabagan, Isabela.
Dapat nakatira o nagtatrabaho ang eligible members sa idineklarang calamity zones; hindi naka-unpaid leave; mayroong paid premiums sa loob ng hindi bababa sa anim na buwan; walang nakabinbing administrative o criminal cases; at mayroon pa ring net take-home pay na hindi bababa sa P5,000 matapos ang deductions.
Maaari ring mag-apply ang old-age at disability pensioners sa mga apektadong lugar, sa kondisyong matitira ang hindi bababa sa 25 porsyento ng kanilang net monthly pension matapos magbayad ng amortization.
Maaaring magsumite ng aplikasyon sa GSIS Touch mobile app, available sa Google Play at sa Apple App Store. RNT/SA